|
News -
Police
|
|
Monday, 08 February 2010 04:08 |
|
Walo na ang patay sa bakbakan ng mga pulis at mga pinaniniwalaang kidnaper, sa Candelaria, Quezon, kaninang ala-singko ng umaga ng Lunes.
Ayon kay Senior Superintendent Elmo Francis Sarona, Quezon Police Chief, pito sa mga ito ay dead on the spot habang ang isa ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan.
Aniya, lulan ang mga armadong lalaki ng Toyota Hi-Ace Van na may plakang ZDN-912 nang sagasaan ang barikada ng comelec at pagbabarilin ang mga pulis sa checkpoint, sa Maharlika Highway, sa Barangay Taguan.
Wala naman aniyang nasugatan sa mga alagad ng batas na napilitang gumanti ng putok.
Naniniwala rin si Sarona na nakaw ang gamit na sasakyan ng mga napaslang dahil hindi tugma ang mga nakuha nilang records sa lto.
Nakerober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng engkwentro ang tatlong kalibre kwarenta’y singko, isang kalibre trenta’y otso at isang carbine. |