You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Kampo ni Noynoy Aquino, Dadalasan ang Political Ads!
News - Major News
Thursday, 04 February 2010 04:09

Dadagdagan ng kampo ni Senador Noynoy Aquino ang paglalabas ng kanilang political ads.

Kasunod ito ng pag-amin ni Liberal Party Spokesman Butch Abad na statistically   tie  o  tabla  na sa survey sina Aquino at Senador Manny Villar.

Ayon kay Abad, ten is to one ang ratio ng ads  ni Villar kontra kay Aquino kaya namayagpag ito sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sinabi naman ni Nacionalista Party Spokesman Gilbert Remulla na epektibo ang kanilang “tunay na mahirap” slogan kaya umani ng suporta si Villar.

Samantala, tinawanan lamang ni Remulla ang  pahayag ni Abad na may unholy alliance ang Malacañang at N.P. kasunod ng mga papuri ni Deputy Presidential Spokesman for Economic Affairs Gary Olivar kay Villar.

Giit ni Remulla, hindi sila makikipag-alyansa kay Pangulong Gloria Arroyo dahil siya ang dahilan ng pagsadsad ng survey ratings ni Gilbert Teodoro.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000