You are here :  
Today is : Sunday, 26 May 2013
Hacienda Luisita, Nakinabang ng P75 M sa SCTEX!
News - Major News
Wednesday, 03 February 2010 08:27

Inilantad ni Cavite Cong. Crispin boying Remulla ang katibayan na nakinabang o kumita ang Hacienda Luisita at ang pamilya Cojuangco ni Sen. Noynoy Aquino sa Subic Clark Tarlac Expressway/SCTEX.

Sa prescon na ipinatawag ni Remulla, dalawang resibo ang inilabas nito mula sa Bases Conversion Development Authority/BCDA, na nagpapatunay na binayaran ang Hacienda ng halagang P50-m para sa road right of way noong April 20, 2004.

Ikalawang resibo ay may halagang P25-m na may petsang Feb. 16, 2005, na laan naman para sa share ng mga magsasaka ng Hacienda, subalit hindi naman ito ipinamahagi sa halip inangkin na umano ng kompanya.

Bahagi rin ng pagbubulgar ni Remulla ang umano’y malapit na malapit na kamag-anak ni Sen. Aquino na ayaw pa nitong tukuyin ang tumawag sa Malakanyang.

Ang tawag ay para hikayatin ang gobyerno na ituloy na ang proyekto at bayaran ang Hacienda sa halagang 100 pesos per square meter para sa road right of way, habang ang original price ay pumapalo lamang sa otso pesos per square meter.

Paniwala pa ni Remulla, hindi maaring baliwalain ito ng senador at igiit na bahid pulitika lamang ito, dahilan sa bilang may-ari ng hacienda wala siyang ginawa para matapos ang problema, sa halip pinagkakitaan pa ang SCTEX project.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000