You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
Partido ni Noynoy, Naalarma sa Pagbaba sa Ratings!
News - Major News
Wednesday, 03 February 2010 07:59

Aminado ang Liberal Party na naaalarma na sila sa mabilis na pagbulusok ng rating ni Sen. Noynoy Aquino sa mga surveys ng presidentiables matapos lumabas ang Pulse Asia Survey na dalawang puntos na lamang ang lamang nito kay Senador Manuel Villar.

Sinabi ni LP Spokesman Erin Tanada na magka-calibrate ang LP ng estratehiya ng kanilang kampanya kasabay ng pag-aaral kung saan mahina at kailangang palakasin ang pagsusulong ng kandidatura ni Noynoy.
Hindi naman anya itinatanggi ng LP na ang dating lakas ni Noynoy sa surveys ay resulta ng simpatya ng publiko sa pagkamatay ng ina nitong si dating Pangulong Corazon Aquino.

Naninindigan umano silang hindi pagkakamali na ipalit si Noynoy kay Sen. Mar Roxas bilang standard bearer ng LP.

Subalit kailangan umanong magbago sila ng taktika sa kampanya tulad ng paghahatid ng mas malinaw at matalas na mensahe sa mga political ads na ilalabas ni Noynoy.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000