You are here :  
Today is : Saturday, 18 May 2013
PNP Chief Jesus Verzosa, Dismayado sa Dami ng mga Pulis na Lumalabag sa Gun Ban!
News - Major News
Tuesday, 02 February 2010 04:19

Hindi katanggap-tanggap para kay PNP Chief, Director General Jesus Verzosa ang tumataas na bilang ng mga pulis na lumalabag sa election gun ban.

Binalaan ni Verzosa ang mga police commander na sasampahan ang mga ito ng kasong administratibo kung magpapatuloy ang pagbalewala ng kanilang mga tauhan sa gun ban.
Ipinaalala ng heneral ang Doctrine of Command Responsibility sa mga Police Commander matapos makita sa update ng National Election Monitoring and Action Board na may mga pulis na lumalabag sa gunban, araw-araw.

Inatasan din ni Verzosa si Chief Superintendent Ifor Magbanua, Inspector General ng PNP-Internal Affairs Service, na resolbahin sa loob ng tatlumpung araw ang kaso ng mga pulis na lumabag sa gunban at agad patawan ng parusa.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000