You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
Limang Sundalo, Patay sa Engkwentro sa Abra!
News - Local News
Monday, 01 February 2010 08:44

Limang sundalo ang patay habang sampu ang sugatan sa magkakahiwalay na engkwentro sa mga miyembro ng New People’s Army sa Abra.

Unang nagkasagupa ang mga tauhan ng 50th Infantry Battalion at mga rebelde na nagsasagawa ng extortion activities sa barangay Kili sa bayan ng Tubo.
Nasugatan sa engkwentro sina Privates First Class Jason Pantaleon at Jayson Grutas.

Nagkasagupa rin ang mga miyembro ng 41st Infantry Battalion at mga rebelde sa kagubatan ng barangay mataragan sa bayan ng Malibcong na nagresulta sa pagkamatay ng limang sundalo at walo ang sugatan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Privates First Class Robert Lobhoy, Saldivar Anno, Honey Mateo, Angelo Calderon at Santiago Decena.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000