You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
Mga Pulis na Lumabag sa Election Gun Ban, Madedestino sa Mindanao!
News - Major News
Monday, 01 February 2010 02:36

Idedestino ng Philippine National Police (PNP) sa Mindanao ang mga pulis na lumabag sa election gunban.

Binigyang-diin ni PNP Chief, Director General Jesus Verzosa na sa halip na isailalim sa re-training sa Subic ang mga police violator, deployment sa mindanao ang kakaharapin ng mga ito.
Layun nito na madagdagan din ang pwersa ng pulisya sa rehiyon.

Sinabi ni Verzosa na ang pagde-deploy sa mga pulis na lumabag sa gunban ay agad na ipatutupad at tatagal until further notice.

Sa huling tala ng National Election Monitoring and Action Center, nasa 40 na ang mga pulis na ang lumabag sa gun ban.

Sa kabuuan, u makyat na 567 katao ang naaresto sa tatlong linggong implementasyon ng election gunban.

Bukod sa mga pulis, kabilang sa violators ang 25 sundalo, 23 empleyado ng pamahalaan at 479 na sibilyan.

Narekober din ng mga awtoridad ang 486 na baril, 731 gun replicas, 84 na bladed weapons at 16 na granada.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000