You are here :  
Today is : Friday, 25 July 2014
Pilipinas, Nalampasan Na Ang Pinakamalakas Na Bagyo Sa Buong Mundo, Ayon Kay Pangulong Noynoy Aquino!
News - Major News
Tuesday, 19 October 2010 09:33

Idineklara ni Pangulong Noynoy Aquino na naka-survive ang Pilipinas sa pagtama ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Ayon kay PNOY, kaunti lamang ang bilang ng nasawi bagamat malaki rin ang naging pinsala ng bagyo lalo na sa mga lalawigan sa norte.

Tiniyak ni Pangulong Aquino na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat upang bumalik sa normal ang buhay ng mga naapektuhan.

Kontento rin si PNOY sa naging aksyon ng mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang pag-asa dahil sa accurate at mabilis na pagtaya nito ng panahon.

Nakatitiyak din ang pangulo na sapat ang tulong na maibibigay ng Department of Social Work and Development para sa mga naapektuhan ng bagyo.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000