You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
Anak ng Yumaong Aktor na si Fernando Poe Jr., Itinalaga Bilang Bagong Movie Television Review ang Classification Board Chair!
News - Major News
Monday, 11 October 2010 03:38

Inanunsyo ng Malakanyang ang ilan pang bagong appointees.

Itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino ang anak ng yumaong si Fernando Poe Jr. na si Grace Poe Llamanzares bilang Chairperson ng Movie, Television Review and Classification Board kapalit ni Consaliza Laguardia.

Magsusulbi namang Vice nito ang Movie Director na si Emmanuel Borlaza.

hinirang namang italaga bilang bagong Chief Executive Officer ng Pag-Ibig si Darlene Berberabe, itinalaga bilang mga boeard member nito sina Edgardo Lacson, Jesus Varela, Jaime Miralles, Raul de Mesa, at Benjie Martinez.

Itinalaga rin bilang board member ng Bases Conversion and Development Authority ang Director General ng Liberal Party na si Jose Luis Gascon.

Inanunsyo rin ng palasyon na mananatili si Joseph Peter Sison bilang pangulo ng National Mortage Finance Corporation at si Nestor Palabyab bilang Deputy Executive Director ng Philippine Trade Training Center.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000