You are here :
Today is : Sunday, 19 May 2013
--- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon --- Nancy Binay, Hindi Sumipot sa Kanyang Proklamasyon Bilang Senador --- Anim na Nanalong Senador, Naiproklama na! --- 12 Nanalong Kandidato sa Pagkasenador, Ipoproklama sa Myerkules ng Gabi --- Tensyon sa Bahay ng mga Revilla sa Cavite, Pinaiimbestigahan ng DOJ ---
| Pangulong Noynoy Aquino, Tiniyak na Hindi Makikialam sa Kasong 2 Counts of Murder ni Senador Ping Lacson! |
| News - Major News |
| Monday, 11 October 2010 03:29 |
|
Tanging korte lamang ang makapagpapabago sa kapalaran ni Senador Ping Lacson. Ito ang inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino at tiniyak na hindi makikialam sa kasong 2 counts of murder ng puganteng senador.Paliwanag naman ni Senador Gringo Honasan, mistah ni Lacson sa PMA call 1971, maaari umapela ang mambabatas sakaling pakiramdam nito na mali ang hatol subalit sa bandang huli ang desisyon pa rin ng korte suprema ang dapat sundin. Si Lacson ang idiniin sa pagdukot at pagpaslang kay PR man Bubby Dacer at driver nitong Emmanuel Corbito noong November 2000. Enero ng kasalukuyang taon nang magtungo umano si Lacson sa Hong Kong saka nagpalipat-lipat ng bansa sa Europa at hanggang ngayon ay nagtatago. Noong isang linggo ay inihinto na rin ng senado ang pagsuporta ng pinansyal sa tanggapan ni Lacson base na rin sa rekomendasyon ng Commission on Audit. |







