You are here :  
Today is : Tuesday, 21 May 2013
Mga Lokal na Pamahalaan, Hinihingan ng Kontribusyon ng Comelec para sa Barangay at SK Elections
News - Major News
Wednesday, 06 October 2010 06:04

Ipinaalala ng Comelec sa mga lokal na pamahalaan ang pagtulong sa gastusin ng mga guro na manunungkulan sa Barangay at SK elections sa Oktubre A- bente singko.

Iginiit ng Comelec sa resolusyon sa mga lokal na pamahalaan na tumulong sa transportation expenses at meal allowances ng mga guro.

Ipinaliwanag ni COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal na alinsunod sa batas, dapat mag- contribute ang mga ito sa gastusin.

Sinabi ni Larrazabal na isa punto dalawang bilyon piso ang kanilang inilaan para sa bayad sa mga guro na manunungkulan sa halalan.

Gayunman, aminado ang kumisyuner na sa dami ng kanilang gastusin ay nahirapan silang pagkasyahin ang kanilang pondo.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000