| Mayorya ng mga Filipino, Kuntento sa Performance sa mga Unang Buwan ni Pangulong Noynoy Aquino |
| News - Major News |
| Wednesday, 06 October 2010 05:51 |
|
Mayorya ng mga Pinoy ang kuntento sa performance ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga unang buwan ng kanyang panunungkulan. Sa survey ng Social Weather Stations o SWS mula Setyembre A- bente kwatro hanggang A- bente siete, lumitaw na pitumpu't isang porsyento ng mga respondent ang kuntento sa performance ng pangulo.Labing- isang porsyento naman ang nagsabing hindi sila kuntento para sa net satisfaction rating na positive 60. Kumpara ito sa unang satisfaction rating ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong Marso 2001 na positive 24 gayundin sa initial rating ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino noong Mayo 1986 na positive 53. Mababa naman ito kumpara sa initial satisfaction rating ni dating Pangulong Fidel Ramos noong Setyembre 1992 na positive 66 habang kapantay ito ng rating ni dating Pangulong Joseph Estrada noong Setyembre 1998. Isinagawa ang survey sa isanlibo dalawandaan respondents mahigit isang buwan matapos ang August 23 Manila hostage tragedy at sa gitna ng isyu sa jueteng. |







