You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
Obispo na Nagbantang I-Excommunicate si Pangulong Noynoy Aquino, Tinawag na Arogante ng mga Dating Seminarista
News - Major News
Tuesday, 05 October 2010 06:12

Dismayado ang samahan ng mga dating seminarista sa ex- communication threat ni C.B.C.P. President Bishop Nereo Odchimar kay Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Jun Cisco Ramos, Assistant Vice President for Mindanao ng Philippine Alliance of X-Seminarians, siyamnapung porsyento ng kanilang mga miyembro ay kontra sa pahayag ni Odchimar.

Sinabi ni Ramos na naging arogante si Odchimar sa pagbabanta kasabay ng pagsasabing hindi napapanahon ang pahayag ng lider ng simbahang katolika.

Iginiit ni Ramos na walang sapat na basehan ang simbahan upang i-criticize ang mga polisya ng gobyerno sa sex education at family planning.

Mas dapat anyang pagtuunan ng simbahan kung ano ang kanilang magagawa sa pagresolba sa kahirapan sa bansa.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000