You are here :
Today is : Saturday, 25 May 2013
--- Malakanyang Sumakay din sa isyu ng negatibong pagsasalarawan ng Pilipinas ng isang manunulat --- Pilipinas papasaklolo sa World Opinion para sa West Philippine Sea dispute --- Mga Paring pakialamero binanatan ni Senador Santiago --- PAGCOR hindi exempted sa BIR collections --- Comelec Chairman Inamin ang problema sa PCOS --- Bomba sumabog sa Pagadian City --- Antipolo City Library Nasunog, Comelec Office nadamay --- PNP bibili ng multi-million equipment, mga bidders wanted --- OFWs pasok na ulit sa Taiwan --- Rep. Manny Pacquiao, PInakamayaman Kongresista parin ---
| Justice Secretary Leila De Lima, Hindi Nagpasindak sa Oposisyon sa Kamara |
| News - Major News |
| Monday, 20 September 2010 06:10 |
|
Hindi natinag si Justice Secretary Leila De Lima sa banta ni House Minority Leader Edcel Lagman na isa- cite ito for contempt kung hindi isisiwalat ang nilalaman ng kanilang report sa hostage tragedy. Sa budget hearing kanina, nanindigan si De Lima na hindi nito isasapubliko ang nilalaman ng kanilang walumpu't tatlong pahinang report nang walang approval mula kay pangulong Noynoy Aquino.Sinabi ni De Lima kay Lagman na handa siyang harapin ang anumang ipapataw ng kamara laban sa kanya. Iginiit din ng kalihim na prerogative ni Pangulong Noynoy Aquino na mamili ng mga ahensya o institusyon na bibigyan ng kopya ng report ng Incident Investigation and Review Committee. Ito ay nang tanungin siya ni Lagman kung bakit hindi nila binigyan ng kopya ng report ang kamara. |







