You are here :  
Today is : Thursday, 20 June 2013
DOH, Aminado sa Usad-Pagong Nilang Dengue Express Lane
News - Major News
Thursday, 16 September 2010 05:56

Umapela ang DOH ng pang-unawa sa publiko dahil sa delay sa serbisyo sa kanilang mga dengue express lane.

Siniguro ni DOH-National Epidemiology Center Head, Dr. Eric Tayag, ginagawa nila ang lahat upang ayusin ang operasyon ng express lanes para makatugon sa dami ng pasyente.

Dapat matapos sa loob ng isa o dalawang oras ng mga Health Worker sa mga Express Lane ang Eksaminasyon sa mga hinihinalang tinamaan ng dengue upang matukoy kung iko-confined ang mga ito o hindi.

Muli ring nanawagan si Tayag sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran upang makaiwas sa dengue.

 

 

Live Video Streaming

typhoon 2000