You are here :
Today is : Sunday, 26 May 2013
--- Malakanyang Sumakay din sa isyu ng negatibong pagsasalarawan ng Pilipinas ng isang manunulat --- Pilipinas papasaklolo sa World Opinion para sa West Philippine Sea dispute --- Mga Paring pakialamero binanatan ni Senador Santiago --- PAGCOR hindi exempted sa BIR collections --- Comelec Chairman Inamin ang problema sa PCOS --- Bomba sumabog sa Pagadian City --- Antipolo City Library Nasunog, Comelec Office nadamay --- PNP bibili ng multi-million equipment, mga bidders wanted --- OFWs pasok na ulit sa Taiwan --- Rep. Manny Pacquiao, PInakamayaman Kongresista parin ---
| Mga Anak ni Retired General Carlos Garcia, Nagpasok ng Guilty Plea sa Dollar Smuggling |
| News - Major News |
| Monday, 13 September 2010 06:06 |
|
Nagpasok ng guilty plea sa kasong bulk cash smuggling ang dalawang anak ni dating AFP Comptroller Carlos Garcia sa U.S. Sesentensyahan ng U.S. District Court sa Nobyembre A-Bente Nueve sina Juan Paulo, dalawampu't siyam na taon ng Michigan at Ian Carl, tatlumpu't dalawa ng Las Vegas.Inamin ng magkapatid na noong December 2003 ay ipinuslit nila mula Pilipinas patungong U.S. ang isandaan libong dolyar na itinago sa bagahe. Inamin din ng dalawa na hindi sila nagsabi ng totoo sa mga opisyal ng U.S. Customs and Border Protection hinggil sa halaga ng pera na kanilang dala. Nahaharap din sina Juan Paulo at Ian Carl kasama ang kanilang ama at ina sa kasong plunder sa Pilipinas dahil sa umano'y pagkamal ng pamilya ng mahigit tatlundaan milyon piso noong nasa military ang dating heneral. |







