You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
MPD Chief Magtibay, Sibak sa Pwesto!
News - Major News
Thursday, 26 August 2010 02:42

Sibak na rin sa puwesto si Manila Police District Director, Chief Superintendent Rodolfo Magtibay.

Ito ay sa kabila ng unang pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na nais muna niya ng malinaw na resulta ng imbestigasyon bago tanggalin ang mga opisyal na sangkot sa hostage drama noong Lunes.

Si Magtibay na miyembro ng PMA Class 1978 at umano'y ayaw ni Manila Mayor Alfredo Lim bilang Hepe ng Manila's Finest ay papalitan ni Senior Superintendent Frank Villaroman.

Una nang nag-file ng leave of absence kahapon si Magtibay nang akuin nito ang responsibilidad sa pumalpak na operasyon sa hostage taking sa Grandstand, Maynila.

Magugunitang makaraang ang madugong resulta ng hostage taking ni dating Senior Inspector Rolando Mendoza noong Lunes, ilan na ang humiling na sibakin si Magtibay.

Maging si dating Manila Mayor Lito Atienza ay nakisawsaw na rin at hiniling din ang pagbibitiw ni Lim dahil hindi anya nito kinumander ang pulisya sa kasagsagan ng trahedya.

Paliwanag pa ni Atienza na kataka-takang si Manila Vice Mayor Isko Moreno lamang ang nakita sa panahon ng negosasyon.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000