You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
Monumento ni Tita Cory, Pinasinayaan sa Maynila!
News - Major News
Monday, 25 January 2010 05:22


Sinaksihan ng daan-daang tagasuporta ang unveiling ng bronze statue ni yumaong Pangulong Corazon Aquino, Lunes ng umaga.

Nanguna sa unveiling ng labinlimang talampakang monumento ni Ginang Aquino sa Padre Burgos Drive, kanto ng Roxas Boulevard ang kanyang anak na si Senador Noynoy Aquino at Manila Mayor Alfredo Lim.


Isinabay ito sa ika-pitumpu’t pitong kaarawan ng democracy icon na iginupo ng colon cancer noong August 1, 2009.

Si Eduardo Castrillo ang gumawa ng rebulto ni Tita Cory na naka-laban sign ang kanang kamay habang hawak nito sa kaliwang kamay ang 1987 Constitution.

Ang monumento ni Ginang Aquino ay itinabi sa asawa nitong si Senador Ninoy Aquino.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000