You are here :  
Today is : Monday, 06 September 2010
Mga Manggagawa, Walang Aasahang Omento sa Sahod Ngayong Taon! PDF Print E-mail
Thursday, 25 February 2010 04:12

Posibleng walang asahang wage increase ang mga manggagawa, ngayong taon, tulad noong 2009.

Ayon kay Esther Guirao, Deputy Executive Director ng National Wages and Productivity Commission, wala pang sapat na dahilan para sa pagbibigay ng increase.

 
Justice Sec. Devanadera, Nagsumite na ng Resignation Letter! PDF Print E-mail
Thursday, 25 February 2010 04:09

Nagsumite na rin ng resignation letter si Justice Secretary Agnes Devanadera kay Pangulong Gloria Arroyo, kagabi.

Ayon kay Devanadera, tinatapos na lamang niya ang kanyang mga nakabinbing trabaho at posibleng sa susunod na buwan ay mayroon nang bagong kalihim ang ahensya.

 
Presyo ng Bigas, Tumaas! PDF Print E-mail
Thursday, 25 February 2010 04:05

Tumaas muli ang presyo ng commercial rice.

Dalawampiso hanggang apat na piso 2-4 Pesos kada kilo ang dagdag  presyo ng commercial rice.

 
5 Pang Bangkay Mula sa MV Princess of the Stars, Narekober na! PDF Print E-mail
Thursday, 25 February 2010 04:06

Lima pang bangkay ng mga pasahero ng MV Princess of the Stars ang narekober, dalawampung buwan matapos itong lumubog sa Sibuyan Island, Romblon.

Ayon sa Coast Guard, natagpuan ang mga kalansay sa economy section ng main deck ng barko na lumubog noong Hunyo a-bente uno, 2008.

 
Mga Kapit-Tukong Appointed Official Na Kakandidato Sa Halalan, Posibleng Madiskwalipika, Ayon Sa Comelec! PDF Print E-mail
Wednesday, 24 February 2010 09:39

Posibleng madiskwalipika sa May 10 elections ang mga kandidatong government appointee na nananatili pa rin sa kanilang posisyon sa kabila ng ruling ng Korte Suprema.

Ito, ayon kay Comelec Chairman Jose Melo, kasabay ng babala na maaring sampahan ng election offense ang mga appointive official na kapit-tuko sa kanilang pwesto.

 
<< Start < Prev 141 142 143 144 145 146 147 148 149 150 Next > End >>

Page 150 of 191