You are here :  
Today is : Monday, 06 September 2010
Sangkaterbang Bonus sa MWSS, Isiniwalat sa Senado! PDF Print E-mail
Tuesday, 31 August 2010 07:56

Dalawampu’t limang (25) buwang bonus bukod pa sa buwanang sweldo kada taon ang tinatanggap ng mga opisyal ng MWSS sa kabila ng pagkalugi ng kumpanya.

Sa pagdinig ng Senate Committees on Finance at Government Corporations, inamin ni MWSS Officer in Charge Macra Cruz na noong 2008, umabot sa 3.5 million pesos ang pagkalugi ng kumpanya at 399 million noong 2009.

 
Gastos ng mga Lokal na Pamahalaan, Pinalalathala ni Robredo! PDF Print E-mail
Tuesday, 31 August 2010 07:47

Inatasan ni Interior and Local Secretary Jesse Robredo ang mga lokal na pamahalaan na isapubiko ang kanilang financial transactions at budget reports.

Sa memorandum circular, inoobliga ni Robredo ang lahat ng local government units na i-publish sa major newspapers at i-post sa official websites ang financial reports ng kani-kanilang tanggapan.

 
Misa Idinaos sa Quirino Grandstand; Obispo, Pinatutsadahan ang Media! PDF Print E-mail
Tuesday, 31 August 2010 06:27

Isang requiem mass ang isinagawa sa Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila para sa mga biktima ng ng hostage tragedy noong Agosto 23.

Sa kanyang homily, nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, nanawagan ito sa mga awtoridad na hindi dapat magkaroon ng whitewash o pagtatago ng mga depekto sa imbestigasyon sa trahedya.

 
Mga Pulis na Nagpa-Picture sa Hong Thai Bus, Posibleng Bumaba ang Ranggo! PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Tuesday, 31 August 2010 06:29

Demosyon ang posibleng kaharapin ng mga pulis na nagpakuha ng souvenir photo sa tourist bus matapos ang hostage crisis.

Ayon kay NCRPO Chief, Director Leocadio Santiago, tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng mga pulis na nag-pose sa Hong Thai tourist bus.

 
Bagyong Glenda, Nasa Labas na ng Bansa! PDF Print E-mail
Tuesday, 31 August 2010 03:39

Nasa labas na ng Philippine area of responsibility ang typhoon Glenda at patuloy na kumikilos papalayo ng bansa.

Huli itong namataan kaninang alas-10, 830 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes  o  sa coordinates na  25.5  degrees  north,  129  degrees  east.

 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Page 10 of 191