You are here :  
Today is : Wednesday, 08 September 2010
Refund sa mga Nagbayad para sa R.F.I.D.,Siniguro Ngayong Buwan PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 06:22

Mababawi na ng mga motorista ang ibinayad nilang 350 pesos kada sasakyan sa LTO para sa Radio Frequency Identification o R.F.I.D.

Ayon kay LTO Chief Virginia Torres, sisimulan nilang ibalik sa may siyamnapung libong motorista ang R.F.I.D Fee sa pamamagitan ng cash, ngayong buwan.

 
IsaPang Guro, Dinukot sa Sulu PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 06:15

Dinukot ng limang lalaki ang isang guro sa pampublikong paaralan sa Siasi, Sulu.

Kinilala itong si Ridzma Harun, residente ng Barangay Poblacion.

 
Laoag City, Nasa sa State of Calamity na rin Dahil sa Dengue; Sakit Dala ng Lamok, Pumatay pa ng Dalawampu't- Dalawa sa Negros Occidental PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 06:00

Idineklara na rin ang State of Calamity sa Laoag City sa Ilocos Norte dahil sa tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng dengue ng dala ng kagat ng lamok.

Simula Enero hanggang Agosto, umabot na sa dalawandaan labing- anim ang dinapuan ng sakit kasama ang apat na namatay.

 
Budget Deficit sa Susunod na Taon, Posible Pang Bumaba PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 06:08

Posibleng bumaba sa 226 billion pesos ang budget deficit o kakulangan ng pondo sa susunod na taon.

Ito, ayon kay Finance Secretary Cesar Purisma, ay kung makakamit ang target na 7 percent na paglago ng ekonomiya sa 2011.

 
Tatlo Hanggang Apat na Bagyo, Inaasahan Ngayong Buwan PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 05:54

Tatlo hanggang apat na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa, ngayong buwan.

Ito,ayon kay PAGASA Senior Forecaster Robert Sawi, ay kasabay ng pagsisimula ng La Niña phenomenon o sobra sobrang pag- ulan.

 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Page 8 of 194