You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
PNOY idineklara ang September 10 bilang Regular holiday bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan PDF Print E-mail
Written by leo palo   
Friday, 03 September 2010 02:40

Idineklara ng pangulong Benigno Aquino III ang Setyembre a-10 bilang Regular Holiday.

sa pamamagitan ng proclamation number 26 na ipinalabas ng pangulo, nakasaad ang pakiisa ng sangkakristyanuhan sa mga kapatid na muslim sa pagdiriwang ng pagtatas ng Ramadan sa susunod na Biyernes.

Last Updated on Friday, 03 September 2010 07:48
 
Mga Dokumento sa may 10 Vice Presidential Election, Pinapre-preserve ng Korte Suprema PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 09:11

Inatasan ng Supreme Court na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal o P.E.T. ang Comelec na i-preserve ang mga records sa May 10 Vice Presidential Election.

Sa "Precautionary Protection Order," pinaiingatan kay Comelec Chairman Jose Melo ang mga ballot box, kasama ang mga laman nito at susi; listahan ng mga botante; voting records at iba pang dokumento na may kinalaman sa Vice Presidential race.

Tugon ito ng P.E.T. sa kahilingan ng kampo nina Vice President Jejomar Binay at nakatunggali nitong si Mar Roxas para sa electoral protest ng dating Senador.

Inatasan din ng P.E.T. ang lahat ng municipal treasurers at election officers na i-preserve ang data storage devices na naglalaman ng electronic election results.

Pitumpu't animnalibo tatlundaan apatnapu ang clustered precincts na subject ng electoral protest ni Roxas at counter-protest ni Binay.

 
Isa Pang Low Pressure Area, Namataan sa Silangan ng Luzon PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 08:50

Nadagdagan ng isa ang low pressure area o LPA na minomonitor ng PAGASA sa Hilagang Luzon.

Kaninag alas onse, tinaya ng PAGASA ang unang LPA, pitumpung kilometro silangan ng Cagayan habang ang ikalawa ay nasa pitundaan apatnapung kilometro silangan ng naturang lalawigan.

 
Chief of Police ng Legazpi City, Sinibak; Pulis sa Davao City, Nasawi sa Holdapan sa Bus PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 09:01

Sinibak ang Chief of Police sa Legazpi City, sa Albay dahil sa kabiguan nitong sugpuin ang sunod-sunod na nakawan sa lungsod.

Sinabi ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, tinanggal nito si Senior Supt. Remegio Rosal dahil sa reklamo ng mga residente at negosyante hinggil sa mahinang pagpapatupad nito ng peace and order.

 
Dengue Outbreak, Idineklara na rin sa tuguegarao; Pito pa Namatay sa Amang Rodriguez Hospital! PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 08:43

Idineklara na rin ng Tuguegarao City council, sa Cagayan ang dengue outbreak dahil sa pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit sa lungsod.

Mula Enero hanggang Agosto, umabot na sa tatlundaan dalawampu't tatlo ang dengue cases sa Tuguegarao.

 
<< Start < Prev 671 672 673 674 675 676 677 678 679 680 Next > End >>

Page 672 of 859