|
Mga Dokumento sa may 10 Vice Presidential Election, Pinapre-preserve ng Korte Suprema |
|
|
|
|
Thursday, 02 September 2010 09:11 |
|
Inatasan ng Supreme Court na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal o P.E.T. ang Comelec na i-preserve ang mga records sa May 10 Vice Presidential Election.
Sa "Precautionary Protection Order," pinaiingatan kay Comelec Chairman Jose Melo ang mga ballot box, kasama ang mga laman nito at susi; listahan ng mga botante; voting records at iba pang dokumento na may kinalaman sa Vice Presidential race.
Tugon ito ng P.E.T. sa kahilingan ng kampo nina Vice President Jejomar Binay at nakatunggali nitong si Mar Roxas para sa electoral protest ng dating Senador.
Inatasan din ng P.E.T. ang lahat ng municipal treasurers at election officers na i-preserve ang data storage devices na naglalaman ng electronic election results.
Pitumpu't animnalibo tatlundaan apatnapu ang clustered precincts na subject ng electoral protest ni Roxas at counter-protest ni Binay.
|
|
|
Chief of Police ng Legazpi City, Sinibak; Pulis sa Davao City, Nasawi sa Holdapan sa Bus |
|
|
|
|
Thursday, 02 September 2010 09:01 |
|
Sinibak ang Chief of Police sa Legazpi City, sa Albay dahil sa kabiguan nitong sugpuin ang sunod-sunod na nakawan sa lungsod.
Sinabi ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, tinanggal nito si Senior Supt. Remegio Rosal dahil sa reklamo ng mga residente at negosyante hinggil sa mahinang pagpapatupad nito ng peace and order.
|
|
Dengue Outbreak, Idineklara na rin sa tuguegarao; Pito pa Namatay sa Amang Rodriguez Hospital! |
|
|
|
|
Thursday, 02 September 2010 08:43 |
|
Idineklara na rin ng Tuguegarao City council, sa Cagayan ang dengue outbreak dahil sa pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit sa lungsod.
Mula Enero hanggang Agosto, umabot na sa tatlundaan dalawampu't tatlo ang dengue cases sa Tuguegarao.
|
|
|
Isa Pang Low Pressure Area, Namataan sa Silangan ng Luzon |
|
|
|
|
Thursday, 02 September 2010 08:50 |
|
Nadagdagan ng isa ang low pressure area o LPA na minomonitor ng PAGASA sa Hilagang Luzon.
Kaninag alas onse, tinaya ng PAGASA ang unang LPA, pitumpung kilometro silangan ng Cagayan habang ang ikalawa ay nasa pitundaan apatnapung kilometro silangan ng naturang lalawigan.
|
|
Mga Kapalpakan ng Pilipinas sa August 23 Hostage Taking, Hindi pa Tapos! |
|
|
|
|
Thursday, 02 September 2010 08:35 |
|
Hindi pa tapos ang kapalpakan ng Pilipinas sa August 23 hostage taking na ikinamatay ng walong Chinese.
Ito, ayon sa spokesman ng Hong Kong Government, at nang madiskubre na nagkamali ang punerarya sa Pilipinas na nag-ayos sa mga bangkay sa paglalagay ng pangalan sa kabaong.
|
|
|
|
|
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>
|
|
Page 7 of 194 |