You are here :  
Today is : Monday, 06 September 2010
Tatlo Hanggang Apat na Bagyo, Inaasahan Ngayong Buwan PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 05:54

Tatlo hanggang apat na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa, ngayong buwan.

Ito,ayon kay PAGASA Senior Forecaster Robert Sawi, ay kasabay ng pagsisimula ng La Niña phenomenon o sobra sobrang pag- ulan.

 
Bala Mula sa mga Rumespondeng Pulis sa August 23 Hostage Taking, Tinaya sa Dalawampu PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 05:41

Nasa dalawampung bala ang pinakawalan ng mga rumespondeng pulis sa August 23 hostage tragedy sa lungsod ng Maynila.

Tumama ang mga ito sa windshield, bintana sa side ng driver, sa isa pang bintana sa gitna ng sasakyan, sa gulong at sa bintana malapit sa pintuan.

 
Facebook Account ni PNoy, Bukas pa rin! PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 03:34

Pananatilihin pa rin ng gobyerno ang Facebook account ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito, ayon kay Presidential Communications Operations Office Head Hermino Coloma, ay dahil bahagi ng kanilang feedback mechanism at pagsisikap ang nasabing social networking sites tungo sa matapat at epektibong pamahalaan.

 
Benepisyo at Bonuses ng mga Kawani ng mga Tanggapang Pagmamay-ari at Pinatatakbo ng Pamahalaan, Pinag-aaralang Suspendihin! PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 03:39

Pinag-aaralang na ng Malakanyang ang Pagsuspinde sa naglalakihang benepisyo at bonuses ng mga opisyal ng Government Owned and Controlled Corporations o G.O.C.C.s

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na sa pangunguna ito ng Department of Finance at Department of Budget na magsusumite ng mga rekomendasyon kay Pangulong Noynoy Aquino.

Last Updated on Thursday, 02 September 2010 03:47
 
Paghahain ng COC Para sa Local Elections, Itinakda! PDF Print E-mail
Thursday, 02 September 2010 03:21

Itinakda ng Comelec sa Oktubre a-uno hanggang a-trese ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa October 25 Barangay at SK Elections.

Sa Comelec Resolution Number 9019, ang Election Period para sa Barangay at SK Polls ay mula Setyembre a-bente singko hanggang Nobyembre a-diyes.

Last Updated on Thursday, 02 September 2010 03:47
 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Page 6 of 191