You are here :  
Today is : Thursday, 31 July 2014
Abad kasuhan din dapat--Sen. Estrada PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Thursday, 05 June 2014 01:41

iginiit ni senador jinggoy estrada na dapat ding imbestigahan,  kasuhan  at  ikulong si budget secretary florencio abad kaugnay sa pork barrel scam at anomalya sa disbursement acceleration program  o  dap.

 
BIR sinupla ang tax policy laban sa mga self empoyed professional PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Thursday, 05 June 2014 01:33

pinigilan na rin ng korte suprema ang implementasyon ng bagong polisiya ng bureau of internal revenue sa mga doktor.

Last Updated on Thursday, 05 June 2014 01:41
 
proyekto ng dating administrasyon itinutuloy lang ng Aquino government PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Thursday, 05 June 2014 01:27

inamin ng isa sa mga tagapagsalita ni pangulong noynoy aquino na itinutuloy lamang ng kasalukuyang administrasyon ang ilang proyekto ng nakalipas na arroyo administration.

gayunman, binigyan-diin ni presidential communications secretary herminio coloma jr. na hindi sila nang-aagaw ng kredito sa mga proyekto.

sinabi ni coloma na ang mahalaga ay maihatid ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na serbisyo sa taumbayan at hindi na importante kung sino ang bida.

aniya, normal lamang sa kasaysayan ng pamamahala na may mga proyekto ang nakaraang administrasyon na kailangang ipagpatuloy ng kasalukuyang nakaupo sa pwesto.

 

sa kanyang talumpati sa world economic forum on east asia, ipinagmalaki ni pangulong aquino ang tagumpay ng mga programa ng pamahalaan sa paghahabol sa mga tax evaders at smugglers na sinimulan noong arroyo administration.

Last Updated on Thursday, 05 June 2014 01:30
 
Mga Mambabatas may milyong utang kay Napoles PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Thursday, 05 June 2014 01:30

aabot sa dalawandaan hanggang tatlundaang milyong piso pa ang sisingilin ni janet lim napoles na utang sa kanya ng mga mambabatas.

kinumpirma ni atty. stephen david, isa sa mga abogado ni napoles, na kayang ibalik ng kanyang kliyente sa gobyerno ang may isandaan hanggang dalawandaang milyong pisong kinita sa pork barrel scam.

 

nilinaw naman ni david na lima hanggang sampung porsyento lamang ang tinanggap na komisyon ni napoles mula sa sampung bilyong pisong pdaf anomaly.

 

bunsod nito, ang nabanggit na halaga lamang ang kaya nilang isauli sa gobyerno kung sakali.

 

tiniyak naman ng abogado na maibabalik nila ang halaga sa sandaling masingil ang lahat ng mambabatas na may utang sa negosyante.

 

 
Senador Santiago nanguna sa social media for president PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Tuesday, 25 March 2014 01:15

nanguna sa social media para sa presidential polls si senador miriam santiago.

sa survey ng online newspaper, si santiago ang nakakuha ng number one rank na nais maihalal ng mga respondent bilang susunod na pangulo.

sa isa pang online newspaper, lumabas na top one din ang senadora at nakuha ang 83 percent votes habang si senador grace po ay nakakuha lamang ng 8  percent votes.

sa social online media poll, may 1.3 million fans si santiago mula sa facebook at may 649 thousand followers sa twitter.

noong sabado ay naging guest speaker si senator santiago sa commencement day ng rogationist college sa silang, cavite.

samantala sa twitter, pangalawa sa paborito ng publiko si senator chiz escudero na may followers na mahigit apatnalibo animnaraan; pangatlo si alan peter cayetano, loren legarda, pang-apat at panglima si juan ponce enrile.

kulelat naman si senate president franklin drilon na mayroon lamang na mahigit tatlunlibong followers habang walang twitter account si senator lito lapid.

Last Updated on Tuesday, 25 March 2014 01:17
 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Page 5 of 864