| Imbestigasyon sa "Double Insertion sa 2008 Budget", Itutuloy ng Senado! |
|
|
|
|
Tuloy ang imbestigasyon ng Senate Ethics Committee sa reklamo laban kay dating Senate President Manny Villar sa umanoy double entry sa 2008 budget para sa C-5 Extension Road Project.
Pahayag ito ni Senate President Juan Ponce Enrile kasabay ng pagtiyak na bibigyan nila ng oportunidad si Villar na idepensa ang sarili.
No comment naman si Enrile sa posibleng “conflict” na idulot ng pagiging chairman ng naturang komite ni Senador Panfilo Lacson.
Tanging sinabi ng pangulo ng Senado ay bahala na ang mga abugado ni Villar na harapin ang problema.
Si Lacson ang nagbunyag at nagdawit kay Villar sa umanoy double insertion sa 2008 budget. |



